Tuesday, January 19, 2016

Paputiin ang Ngipin Gamit ang Baking Soda

Paano paputiin ang ngipin sa natural at epektibong paraan? Karamihan sa atin ay pinopoblema ang dilaw na ngipin. na kahit anong toothpaste ang gamitin ay hindi pa din ito pumuputi Narito ang solusyon sa mala gold na ngipin natin. Mga Kelangan. -Baking Soda -Kalamansi -small tupperware Gagawa tayo ng toothpaste gamit ang mga ito. Paghaluin ang baking soda at kalamansi. natural lamang ang mga bubbles kapag pinaghalo mo ito. Dapat mas marami ang baking soda kesa sa kalamansi upang maging mala toothpaste ang kalalabasan. Kapag naging malapot na ito, pwede mo ng gamitin. Siguraduhin na wag lulunukin ito. pagkatapos magsipilyo gamit ang baking soda toothpaste, pwede ka ulit magsipilyo sa toothpaste na ginagamit mo tlga upang matanggal ung pangit na lasa at amoy nito. 2x-3x a week lang dapat ang pag gamit nto sapagkat masyadong malakas ito baka makasira sa gums. mapapansin mo ang unti-unting pagputi ng ngipin mo makalipas ang ilang linggong paggamit nito. Ituloy tuloy lamang at hwag kakaligtaan. Maaari ring lagyan ng konting baking soda ang tubig na gagamitin sa pagmumumog sa umaga dahil itoy tumutulong sa pagbabalik ng natural na amoy ng hininga at nakakagamot sa mabahong hininga.

No comments: